IMPEACHMENT TRIAL NI VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, SISIMULAN NA NGAYONG ARAW; ILANG PANGASINENSE NAG-AABANG DIN ‎ ‎

Ilang Pangasinense ang nag-aabang sa nakatakdang pagsisimula ng Senado bilang impeachment court sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte ngayong araw, Hulyo 6, kasunod ng mga paghahandang isinagawa ng magkabilang panig para sa pagdinig ng kaso.

‎Ayon sa ilang Pangasinense, depende ang desisyon sa kahihitnan ng magiging impeachment trial.

‎Aantabay umano sila at umaasang magiging malinaw ang magaganap na impeachment trial sa bise presidente.


‎Inatasan ng impeachment court si Duterte na humarap nang personal o sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel sa pagbubukas ng paglilitis.

‎Si Vice President Sara Duterte ang kauna-unahang opisyal ng Pilipinas na na-impeach ng dalawang beses at haharap sa apat na Articles of Impeachment kabilang dito ang alegasyon sa paggamit umano ng P612.5 milyon sa confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at P112.5 milyon mula sa Department of Education (DepEd), hindi maipaliwanag na yaman at hindi pagdedeklara ng mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2022 hanggang 2024.

‎Ipinapaliwanag din ang alegasyon ukol sa umano’y pagsuhol at mga iregularidad sa procurement na kinasasangkutan ng mga opisyal ng DepEd, at grave threats o pagbabanta sa buhay umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments