LTO, pinaiimbestigahan ang 160 LTO-accredited medical clinics na sangkot sa maanomalyang pag-isyu ng medical certificates

Pinaiimbestigahan ni Land Transportation Office o LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang 160 na LTO-accredited medical clinics na sangkot umano sa maanomalyang pag-iisyu ng medical certificates sa mga motorista.

Ayon kay Mendoza, mahalagang may mapanagot dito dahil isang napakahalagang requirement ang medical certificate sa pagkuha ng driver’s license at nakokompromiso ng modus na ito ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero.

Kabilang sa pinakakasuhan ng administrative at criminal charges ay ang mga doktor na pumirma ng medical certificates kahit hindi mismo harapang nasuri ang driver-applicant.

Facebook Comments