DMW, seryoso sa planong pag-restrict sa deployment ng OFWs sa Kuwait matapos ang sunod-sunod na pagkamatay doon ng dalawang Pinay

Puspusan ang pag-review ng Department of Migrant Workers (DMW) sa mga panuntunan nito sa pag-deploy ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Ito ay matapos ang magkasunod ng pagkamatay ng dalawang Pinay OFW sa Kuwait.

Partikular ang pagkamatay nina Jenny Alvarado at Dafnie Nacalaban.


Si Alvarado ay sinasabing namatay sa coal suffocation, habang si Nacalaban ay dalawang buwan nang nawawala bago natagpuang patay.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nire-review din nila ang kapakanan ng mga matatagal ng OFWs sa Kuwait.

Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal ng DMW ang pagpapadala ng first-time OFWs sa Kuwait o ang Pinoy workers na wala pang naging experience sa pagta-trabaho sa ibayong-dagat.

Facebook Comments