DMW, tiniyak na nakikipagtulungan na sa kanila ang Facebook sa pag-take down sa page ng pekeng recruitment agencies

Tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na nakikipagtulungan na sa kanila ang Facebook sa pagtanggal sa illegal recruitment sites.

Ayon kay Cacdac, 30,000 na sites ang target nilang ipatanggal sa Facebook.

Karamihan sa mga ito ay kinokopya ang sites ng mga lehitimo at matitinong recruitment agencies.

Maging ang TikTok aniya ay nakikipagtulungan na rin sa kanila.

Tiniyak din ni Cacdac na kanila nang pinulong at inalerto ang mga lehitimong recruitment agencies.

Facebook Comments