DND at DTI, sasalang sa budget review ngayong araw

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagbusisi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pondo ng bawat ahensya ng gobyerno.

Ngayong araw ay ang Department of National Defense (DND) at Department of Trade and Industry (DTI) ang sasalang sa budget review.

Layon nitong tukuyin kung may mga tinapyas na bahagi sa mga isinumite nilang proposed budget.

Kahapon ay ang Department of Migrant Workers (DMW) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ipinatawag ni Pangulong Marcos.

Bukod sa Pangulo, kasama sa mga umuusisa sa budget ng bawat departamento ay si DBM Secretary Amenah Pangandaman, at ang miyembro ng economic team ng administrasyon.

Facebook Comments