
Nag-alok si Aklan 2nd District Representative Teodorico Haresco ng P100,000 na pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para matukoy ang mga pumaslang sa 23-anyos na turistang Slovak national na si Michaela Mickova sa isla ng Boracay noong March 12.
Nakipag-ugnayan na rin si Haresco sa mga awtoridad at kanyang nabatid na mayroon ng dalawang persons of interest sa krimen at patuloy na iniimbestigahan kung may ikatlo pang suspek.
Hangad ni Haresco na agad maresolba ang kaso at mapanagot ang mga salarin upang maibalik ang tiwala ng publiko lalo na ang mga turista.
Ayon kay Haresco, kailangang magtulungan ang lahat kabilang ang mga lokal na opisyal, mga awtoridad at kaukulang mga ahensya ng gobyerno upang hindi na maulit ang insidente na lubhang nakakaapekto sa sektor ng turismo.