DOLE, nagpalabas ng “work stoppage order” sa Burgundy Corporate Tower sa Makati matapos ang nangyaring trahedya

79

Nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng work stoppage order sa kinukumpuning passenger elevator sa Burgundy Corporate Tower sa Makati City.

Ito ay matapos ang nangyaring aksidente sa dalawang manggagawa kung saan nasawi sina
Marfel Mico Linayao at Rey Miguel Gileda.

Kabilang sa inisyuhan ng nasabing kautusan ang Colliers Property Management of Burgundy Corporate Tower, Concepcion- Otis Philippines, Inc., DLC Electro Mechanical Engineering Services at ilang sub-contractors.


Kahapon, July 11 ay pinaharap na rin sa pagdinig sa DOLE ang respondents.

Facebook Comments