Wednesday, September 2, 2026

Mindanao Grid, ilalagay din sa yellow alert ngayong araw

Itataas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP0 ang Yellow Alert sa Mindanao Grid ngayong araw.

Ayon sa NGCP, ipatutupad ang Yellow Alert mula ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon at muli mula alas-5:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.

Sa ulat ng NGCP, dalawang planta ng kuryente ang kasalukuyang naka-forced outage ngayong Setyembre.

Mayroon ding 14 na planta na nananatiling naka-forced outage mula pa noong Agosto, apat mula Hulyo, isa mula Hunyo, dalawa mula Enero, isa mula 2025, at isa mula 2024.

Samantala, pitong planta ang tumatakbo sa derated capacity o sa limitadong kapasidad.

Sinabi ng NGCP na ang pangunahing dahilan ng pagdeklara ng Yellow Alert ay hindi operational ang malalaking coal-fired power plants na GNPK 1, GNPK 2, at TSI 2.

Ang Yellow Alert ay itinataas kapag manipis ang reserbang suplay ng kuryente at maaaring hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Facebook Comments