Pinapalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang kahandaan ng mga magsasaka at mangingisda laban sa posibleng epekto ng El Niño sa kanilang kabuhayan at produksyon.
Nagkaroon ng Talakayan sa Farmer’s and Fisherfolk Congress on El Niño Preparedness and Mitigation, kung saan napagusapan ang mga posibleng epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura at pangingisda, gayundin ang mga hakbang upang mabawasan ang pinsalang maaari nitong idulot.
Nagbahagi naman ng mga impormasyon, programa at serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang PAGASA Dagupan City, NIA-Pangasinan IMO, National Power Corporation, Department of Agriculture, BFAR, DOLE, DSWD, PCIC Region I at ACPC.
Layunin ng pagtitipon na mapalawak ang kaalaman at mapalakas ang kahandaan ng mga magsasaka at mangingisda upang maprotektahan ang kanilang produksyon at kabuhayan sa harap ng posibleng epekto ng El Niño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







