SIDECAR NG MGA UMANO’Y NAKAW NA TRICYCLE, INIWAN SA BYPASS ROAD SA SAN CARLOS CITY

Natagpuan ang dalawang inabandunang sidecar ng mga umano’y nakaw na tricycle sa Bypass road sa isang barangay sa San Carlos City, Pangasinan noong November 3, 2026.

Ayon kay PLTCOL Lawrence Keith D. Calub, Chief of Police ng San Carlos City PNP, nakatanggap sila ng report patungkol sa iniwang sidecar umaga ng Martes.

Bukod dito, nakatanggap din sila ng flash alarm mula sa PNP Basista patungkol sa nawawalang isang tricycle.

Kaugnay nito, tumutugma umano ang katangian ng nawawalang tricycle sa isa sa mga sidecar na natagpuan sa lugar.

Dagdag ni Calub, walang ilaw at kabahayan sa pinag-iwanan na diversion road na kasalukyang ginagawa at nasa ilalim ng konstruksyon.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang kapulisan ng backtracking na bahagi ng kanilang imbestigasyon upang matukoy at makilala ang pakakakilanlan ng suspek.

Samantala, patuloy ring hinahanap ang may-ari ng isa pang sidecar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments