DUMEPENSA | Asec. Uson, pumalag sa mga banat sa kanya ng mga senador

516

Manila, Philippines – Binuweltahan ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang mga senador matapos mag-viral ang kaniyang ipederamismo dance video.

Sa kaniyang facebook post, iginiit ni Uson na ikinagalit ng mga senador ang i-pederalismo dance video pero tikom naman ang bibig ng mga ito sa isyu ng dayaan noong 2016.

Sabi pa ni Uson, ang mga mambabatas ang bumabastos sa katotohanan.

Tanong pa ni Uson, nakinabang ba ang mga ito sa dayaan o nakinabang ba ang mga kaibigan ng mga ito.

Facebook Comments