Sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga lumalabag sa batas-trapiko sa bayan ng bayambang, pangasinan, pinaiigting ng mga awtoridad ang pagsasanay at pagpapatupad ng disiplina sa lansangan.
Naglunsad ang bayambang public safety office ng seminar para sa mga traffic enforcer at toda officers bilang bahagi ng hakbang para palakasin ang kaalaman sa road safety, tamang asal sa pampublikong lugar, at mas mahusay na implementasyon ng mga batas trapiko.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga traffic enforcer, toda officials, at iba pang empleyado ng munisipyo kung saan tinalakay ang mga batas tulad ng republic act 11313 o “Bawal bastos law,” kasama ang mga probisyon ng land transportation and traffic code.
Layunin ng pagsasanay na mapababa ang bilang ng violations at mapaigting ang disiplina sa kalsada, matapos iulat ng bpso na umabot sa 11,268 traffic violations ang naitala sa bayambang noong 2025.
Sa kabila ng mga hakbang na Ito, patuloy ang hamon sa lokal na pamahalaan na mapanatili ang mahigpit na implementasyon ng batas-trapiko sa gitna ng lumalaking bilang ng mga lumalabag sa orden sa lansangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










