DZXL Radyo Trabaho team, bibisita ngayong araw sa PESO San Juan para sa pagbibigay ng trabaho sa mga residente ng lungsod

205

Bibisitahin ngayong araw ng DZXL Radyo Trabaho team ang ika-12 Public Employment Services Office.

Magtutungo mamayang alas-10:00 ng umaga ang Radyo Trabaho team sa Lungsod ng San Juan upang makipag-pulong kay PESO Manager Richard Matriano.

Noong September 5, binisita naman ng Radyo Trabaho ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City at tinalakay ang mga plano para sa pagbibigay ng trabaho sa mga residente ng lungsod.


Samantala, naihatid na kahapon kay Ginoong Alfredo Padual ng Caloocan City PESO ang bisikleta na kaniyang napanalunan sa Bisikletrabaho Year 4: Mula Sa Puso Para Sa PESO bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika-apat na anibersaryo ng DZXL Radyo Trabaho.

Facebook Comments