Umabot sa ₱3,514,000 ang kabuuang educational financial assistance na ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Tayugsa 1,757 mag-aaral sa kolehiyo, kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-₱2,000.
Ang pondong inilaan para sa programa ay nagmula sa Annual Budget ng Bayan ng Tayug para sa taong 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang edukasyon at matulungan ang mga kabataang nagsusumikap na makamit ang kanilang mga pangarap.
Layunin ng programa na makatulong sa mga gastusin ng mga mag-aaral at kahit paano ay maibsan ang kanilang mga pinansyal na pangangailangan habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pag-aaral.
Umaasa ang lokal na pamahalaan na magsisilbing inspirasyon ang tulong na ito upang lalo pang magsikap ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral, maabot ang kanilang mga pangarap, at sa hinaharap ay maging bahagi ng patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Tayug. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









