EJ Obiena binati mga atleta sa Palarong Pambansa; Pilipinas magiging powerhouse ng pole vault

Inspirasyon ang hatid ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa kaniyang mensahe sa mga atletang kalahok sa ika-63 Palarong Pambansa.

Sa kaniyang caption sa isang post na ibinahagi mula sa Facebook page ng RMN Sports, nagpaabot ng pagbati si Obiena sa top 3 na nagwagi sa pole vault ng palaro.

Ani Obiena, “you did an amazing job”, kasabay ng pagbibigay ng mensahe sa iba pang mga atleta na huwag mawalan ng pag-asa at darating din ang tamang panahon para sa kanila.


Kwento pa ng kasalukuyang world no. 3 sa mens pole vault, ni hindi raw siya nagwagi sa Palarong Pambansa noong kaniyang panahon at umabot lamang sa 3.70 meters ang kaniyang best jump.

Sa huli, mensahe pa ni Obiena na “dream big at aim for the stars” pero sabayan din ng pagsisikap, pagpapakumbaba at mga panalangin.

Umaasa si Obiena na magiging pole vault powerhouse ang Pilipinas sa mga darating pang taon.

Facebook Comments