FIREFIGHTERS FOR CHRIST, NAGLUNSAD NG PAGSASANAY

Cauayan City – Nagsagawa ng 5-araw na pagsasanay at seminar ang Firefighters for Christ International (FFCI) sa Ilagan City, Isabela.

Ang nabanggit na training at seminar ay ng mga trainers at frontliners mula sa USA, Germany, at Ireland kung saan limampung (50) personnel mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 2 ang lumahok, kabilang ang 10 personnel ng Special Rescue Force (SRF), 20 mula sa City of Ilagan Fire Station, at 20 bombero mula sa iba’t ibang bahagi ng Isabela.

Dumalo at nagpakita ng suporta sa pagbubukas ng aktibidad sina Fire Chief Superintendent Wilberto Rico Neil A. Kwan Tiu, Deputy Chief for Operations ng BFP National Headquarters, kasama sina Fire Chief Superintendent Jerry C. Lamanero, DSC, Regional Director ng BFP Region 2, Fire Senior Superintendent Atty. Archie R. Andumang, DSC, Provincial Director ng BFP Isabela; FSUPT Jude Delos Reyes, Pangulo ng Firefighters for Christ Philippines Chapter; at Fire Chief Inspector Franklin B. Tabingo, City Fire Marshal ng City of Ilagan FS.


Ang naranasang hagupit ng bagyong Yolanda at pagkakabuo ng ugnayan sa FFC International ay nagresulta sa pagkakakilala sa Firefighters for Christ Philippine Chapter.

Sa simula pa lamang nito, nakapagsagawa na ang FFC Philippines ng mga regional training program na nakatuon sa Auto-Extrication, Wild-Fire Management, at Swift Water Rescue, at patuloy ang pagbibigay ng kaalaman at kasanayan ng grupo sa mga bumbero, hindi lamang para sa kanilang tungkulin kundi pati sa pagpapalaganap ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.

Facebook Comments