FLIGHTLINE AIRWAYS, LUMAGPAS SA RUNWAY NG BATANES AIRPORT

Bahagyang nasira ang eroplano na may tail no. 1801 matapos itong lumagpas sa runway ng maglanding sa Itbayat Airport sa Batanes kahapon ng umaga, Disyembre 14, 2022.

Pasado alas-8:00 ng umaga ng mangyari ito na sinasabing nawalan ng kontrol ang piloto na sina Captain Adrian Jether Aquino at co-pilot nito na Carlo CariƱo dahil sa problema sa landing gear brake system.

Sa nakuhang impormasyon sa Police Regional Office 2, kumanan umano ang eroplano at bumangga sa concrete pavement ng nasabing paliparan sa runway 36 na nagresulta sa pagkasira ng nose wheel ng eroplano.

Maswerte namang ligtas ang lahat ng sakay ng eroplano kabilang ang mga crew at lima pang pasahero.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang PNP Batanes kaugnay ng nasabing insidente.

Facebook Comments