FPRRD, ipoproklama pa rin sakaling manalo sa halalan —Comelec

Ipoproklama pa rin ng Commission on Elections (Comelec) si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling manalo ito sa darating na halalan sa Mayo.

Ito ang nilinaw ngayon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa kabila ng pagkaka-aresto sa kaniya noong Martes sa bisa ng International Criminal Court (ICC) arrest warrant at pagdadala sa The Hague para doon litisin.

Una nang sinabi ni Garcia na mananatili sa balota ang pangalan ni Duterte na tumatakbong alkalde ng Davao City.


Sa paliwanag ng poll body, ituturing pa ring kandidato si Duterte dahil hindi pa ito nahahatulan o nako-convict.

Facebook Comments