
Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na fake news at kasinungalingan ang ulat na kaya nagtungo ng Hong Kong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay para humingi ng asylum kay Chinese President Xi Jinping.
Sa kumalat na balita ay diumano’y humingi ng proteksyon si Duterte kay Pres. Xi pero tinanggihan ito ng Chinese president.
Tahasang sinabi ni Dela Rosa na walang katotohanan at fake news kung sinoman ang gumawa ng nasabing storya.
Nilinaw ng senador na ikinampanya lang ng dating pangulo ang mga senatorial candidates ng kanilang partido nang magpunta ito ng Hong Kong.
Aniya, pagod at hirap na nga ang dating pangulo at nag-aalala sa mga kandidato ng PDP Laban.
Facebook Comments