FPRRD, kandidato pa rin sa midterm elections kahit nakakulong sa ibang bansa —Comelec

Mananatili sa balota ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) kasunod ng paglipad nila kagabi patungong The Hague matapos ipaaresto sa bisa ng arrest warrant mula International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kandidato pa rin si Duterte dahil hindi pa naman sya nahahatulan ng korte o wala pang conviction.


Kinasuhan si Duterte sa ICC dahil sa alegasyon ng crimes against humanity kaugnay sa giyera kontra iligal na droga ng kaniyang administrasyon.

Naghain naman noong Oktubre ng nakaraang taon ang dating pangulo ng certificate of candidacy para bumalik sa pagka-alkalde ng Davao City kung saan siya matagal na nanungkulan.

Facebook Comments