
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili itong nakatutok sa pangunahin nilang mandato na tiyakin ang seguridad ng bansa.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, walang basehan ang mga ispekulasyong may pagkilos ang militar kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Padilla, ito ay usapin ng law enforcement at hindi saklaw ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Aniya, nananatili pa ring solid at professional ang buong hanay ng AFP.
Kasabay nito, tiniyak ng AFP na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon at handang tumugon kung may banta sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.
Hinikayat din ng AFP ang publiko na maging mahinahon at hayaan na gumulong ang legal na proseso.
Facebook Comments