Franchise ng Miss Universe-PH, mananatili pa rin kay Stella Marquez-Araneta

70

Manila, Philippines – Binasag na ni Stella Marquez-Araneta ang tsimis na inilipat na kay dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson ang franchise sa Miss-Universe-Philippines.

Ayon kay Marquez-Araneta, nananatili pa rin sa pag-aari ng kanyang pinamumunuang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BCPI) ang franchise ng Miss Universe sa bansa.

Kumpyansa ang dating beauty queen na mananatili sa kanya ang franchise ng Miss Universe-Philippines dahil ilang taon na rin niyang kasama ang mga namumuno sa Miss Universe Organization (MUO).

Lumutang ang isyung ibibigay na kay Singson ang franchise ng MUO sa Pilipinas dahil sa matagumpay nitong paghawak sa 65th Miss Universe noong 2016 na ginanap dito sa bansa.

Ang tanging sigurado dito ay si Singson at ang kanyang LCS Group ang magfi-finance sa 68th Miss Universe na gaganapin sa South Korea ngayong 2019.

Facebook Comments