FRUIT BEARING TREES, ITINANIM SA DAANG KALIKASAN

Nagsama-sama ang kawani ng Bureau of Jail Management and Penology Dagupan Male Dormitory sa Daang Kalikasan, Mangatarem upang makiisa sa selebrasyon ng Earth Day 2025.

Ayon kay Community Relations Officer ng BJMP Dagupan, JO1 Edralyn P Tomad, nasa 22 Jail Officers ang sama samang nagtanim ng 95 Kasoy seedlings sa kahabaan ng Daang Kalikasan.

Nakiisa rin sa aktibidad na ito ang ilang kawani ng Municipal Environment Office ng Mangatarem at Fire Officers ng Bureau of Fire Protection Dagupan.

Ang aktibidad na ito ay pagpapakita na hindi lamang sa pagpapatupad ng kaayusan ng komunidad natatapos ang tungkulin ng naturang ahensiya, kundi maging sa mga gawaing makakalikasan rin.

Ito ay alinsunod sa Proclamation 1482 s.2008 na naglalayong magbigay kamalayan sa matinding problema sa pagkasira ng ating kalikasan na malaki ang epekto sa buhay nating mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments