
Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Seaport Interdiction Unit sa pakikipagkoordinasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Postal Corporation at Surface Mail Exchange Department sa Port of Manila, Philippine Postal Corp., na matatagpuan sa 2nd Bonifacio Drive, Port Area, Manila.
Ayon sa report na naisumite ng PDEA Regional Office NCR, habang nagsasagawa ng scanning ng parcel, napansin ng Bureau of Customs x-ray inspector na ang naturang parcel ay mayroong laman na kahinahinalaang bagay at nang iberipika at sumailalim sa K-9 inspection natuklasan na ang nasabing parcel ay may presensiya ng dangerous drugs.
Agad na binuksan ng mga awtoridad ang naturang parcel kung saan bumungad sa kanila ang 2, bumungad sa kanila ang 2,136 dark gray tablets na hinihinalaang ecstasy na nakabalot sa kulay puting plastic bottles na nagkakahalaga ng ₱3.63 million at nabatid na galing Germany, at idineklarang vitamins ang laman ng parcel.
Iniimbestigahan na ng PDEA ang nagpadala mula Germany at ang tatanggap ng parcel na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang drug evidence ay isinumite na sa PDEA Laboratory Service para sa laboratory examination.