Fuel subsidy sa mga maapektuhang sektor, ipatutupad ni PBBM sakaling sumirit ang presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan na tulungan ang mga sektor na posibleng maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., kabilang sa pinaplantsang ayuda ay ang fuel subsidy para sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon, tulad ng ginawa noong panahon ng pandemic.

Giit ng pangulo, talagang siniseryoso nila ang posibilidad na ito lalo’t posibleng isara ang Strait of Hormuz kapag tumaas pa ang tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa ilalim ng batas, pinatutupad ang fuel subsidy sa sandaling sumirit sa $80 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.

Nauna na ring sinabi ng Palasyo na mahigpit na nakamonitor ang Department of Energy (DOE) sa sitwasyon sa Middle East situation, at nagsagawa na rin ng 30-day inventory ang mga kompanya ng langis.

Facebook Comments