Pilipinas, may 5 bansa na maaaring pagkunan ng supply ng langis —DOE

Ang Non-Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) members na mga bansa ang option ng Pilipinas na maaaring pagkunan ng supply ng langis.

Tinukoy ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ang Russia, Amerika, Canada, Mexico at Brazil.

Ayon kay Abad, bukod pa rito ang iba pang mga bansa sa Middle East na maari ring pagkunan ng langis ng Pilipinas.

Sinabi ni Abad na sa ngayon ay wala ring nagaganap na disruption sa pagpasok ng oil supply sa Pilipinas.

Iginiit ni Abad na hindi masyadong makaka-apekto sa supply ng petrolyo ang 1.5- million barrels na ini-export ng Iran.

Facebook Comments