GINANG PATAY, ANAK NITO SUGATAN MATAPOS PASUKIN AT PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG BAHAY SA SAN CARLOS CITY

98

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pananaksak sa mag-ina sa lungsod ng San Carlos.

Nakilalang ang mga biktima na sina Maria Cristina Nisperos at anak nitong si Aravani, mga residente ng barangay Tarece sa nasabing lungsod.


Ayon sa kwento ng nakababatang Nisperos, pasado alas dose ng hatinggabi habang natutulog ang mag-ina nang pasukin ang mga ito ng hindi pa natutukoy na suspek at agad na pinagsasaksak.

Bunsod nito ay nagtamo ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na naisugod pa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang ina, habang nasa mabuti nang kalagayan ang anak nito.

Inaalam pa ng PNP ang posibleng motibo sa insidente.

Facebook Comments