Golden State Warriors, isang panalo na lang ang kailangan kontra Cleveland Cavaliers para makuha ang kampeonato

169

NBA – Isang panalo na lang ang kailangan ng Golden State Warriors para masungkit ang kampeonato sa NBA.

Tinalo ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa game-3 sa score na 118-113 kung saan nanguna sa panalo ang trio na sina Kevin Durant na may 31-points, Klay Thompson na nakakuha ng 30-points at Stephen Curry na nakapag-ambag ng 26-points.


Sa interview kay Durant, naging kampante sila sa first half kaya’t nakalamang ang Cavaliers sa third quarter kung kaya’t gumawa sila ng adjustments para makuha ang panalo pero hindi sila magpapakampante sa susunod na laban.

Ang game-4 ay mapapanood sa Sabado (June 10), alas-9:00 ng umaga sa homecourt pa din ng Cleveland.
DZXL558

Facebook Comments