Isla ng Boracay nakapagtala ng mahigit 100k na tourist arrival sa loob ng 15 araw

Malay, Aklan – Nakapagtala ang isla ng Boracay ng mahigit 100k na tourist arrivals mula noong July 1 hanggang July 15 ng kasalukuyang taon. Base sa datos ng Malay-Boracay Tourism Office umabot sa 100,447 ang kabuuang bilang ng mga nagbakasyon sa isla. Sa nasabing numero, nangunguna ang Domestic Tourists na may kabuuang 79,823 tourist arrivals, ang Foreign tourists ay mayroong 18,378 tourist arrivals at ang OFW/OF’s ay mayroong 2,246 tourist arrivals.
Facebook Comments