Friday, August 7, 2026

Grupo ng mga manggagawa, nagkasa ng kilos protesta sa tanggapan ng DOLE sa Intramuros, Maynila

Nagkasa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila sa kabila ng masamang lagay ng panahon.

Ang mga nasabing grupo ay bahagi ng Unity for Wage Increase Now, kung saan ipinapanawagan nila sa DOLE ang pagpapatupad ng Regional Wage Order No. 27 sa Metro Manila.

Giit ng grupo, dapat ipaliwanag nang maayos ni Labor Secretary Francis Tolentino ang mga hakbang na ginagawa ng ahensiya upang maipatupad ang dagdag-sahod.

Ipinapanawagan din nila ang pagbabasura sa temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Pasig Regional Trial Court hinggil sa nasabing wage hike order, lalo na’t hindi naman umano ito saklaw ng mga probisyon ng Labor Code.

Muli rin nilang hinihiling na gawing ₱1,200 ang national minimum wage upang masiguro ang kapakanan ng mga manggagawa, lalo na’t patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments