Halos 1,000 foreign nationals, nakakulong sa custodial facility ng PAOCC sa Pasay City

Umabot na sa 899 na foreign nationals ang kasalukuyang naka-detain sa custodial facility ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City.

Kaugnay ito sa sunod-sunod na raid ng PAOCC na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa mga nakalipas na linggo.

Ayon sa PAOCC, malapit na itong mapuno dahil 1,500 lamang ang kapasidad ng nasabing detention facility sa Pasay City.


Nasa 1000 foreign nationals ang naghihintay na lang ng kanilang deportation sa mga susunod na linggo at hinihintay na lamang ang pagproseso ng kanilang mga dokumento.

Kabilang dito ang nasa halos 300 foreign nationals na hawak ng Bureau of Immigration kung saan pinakamarami sa bilang na ito ang mga Chinese nationals, sunod ang mga Vietnamese, at huli ang mga Indonesian.

Sa tantya ng PAOCC ay nasa 9,000 pa ang foreign nationals na may kaugnayan sa POGO ang nananatili sa bansa.

Facebook Comments