Halos 200,000 indibidwal, apektado ng pagbaha sa Maguindanao del Sur

Bunsod ng walang tigil na pag-ulan dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Maguindanao del Sur, nananatiling baha ang nasa 89 na lugar sa nasabing lalawigan.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 38,689 na pamilya o katumbas ng 192,005 na mga indibidwal mula sa 98 na barangay ang apektado ng sama ng panahon.

Sa nasabing bilang, 890 ang nananatili sa ilang evacuation areas sa nasabing lalawigan.

Samantala, dalawang kalsada at isang tulay ang unpassable sa mga oras na ito habang tatlong kabahayan naman ang napaulat na totally damaged.

Sa ngayon, puspusan na ang ginagawang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga apektadong residente.

Facebook Comments