
Nagkasa ng buy-bust operation ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwang ang Bambang Municipal Police Station at Fertilizer Pesticide Authority (FPA) sa Barangay San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya na nagresulta sa pagkaka-aresto ng isang lalake na nagbebenta ng ilegal na fertilizer at pesticide.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Junel, residente ng Brgy. Pando, Concepcion, Tarlac.
Nag-ugat ang operasyon makaraang makatanggap ng impormasyon ang FPA hinggil sa ilegal na gawain ng suspek.
Huli sa akto na nagbebenta ang suspek ng 64 na bote ng iba’t ibang fertilizers at pesticides na nagkakahalaga ng P39,000.
Sa ngayon hawak na ang suspek ng mga awtoridad at nahaharap sa patong patong na reklamo.
Facebook Comments