PBBM, diretsahang dumistansya sa impeachment ni VP Sara

Nagsalita na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa kinahaharap na impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Bagama’t hindi direktang sinagot kung ayaw niya sa impeachment, sinabi ng Pangulo na hindi niya ito panghihimasukan dahil nasa Senado na ang bagay na ito.

Ang tututukan na aniya niya ngayon ay ang trabaho at ang taumbayan lalo’t tapos na ang eleksyon.

Nauna nang hiniling ng Pangulo sa mga mambabatas na huwag nang itulak ang impeachment laban kay Duterte at sinabing ito ay pag-aaksaya lamang ng oras.

Itinakda ni Senate President Francis Escudero ang impeachment trial na magsisimula sa Hulyo 30 para ma-accommodate ang 12 bagong halal na senador ng 20th Congress.

Facebook Comments