Halos 30 na indibidwal, nasawi sa stampede sa Liberia

76

Nasawi ang 29 na indibidwal matapos magkagulo at magkaroon ng stampede sa isang simbahan sa Monrovia, Liberia.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-ugat ang kaguluhan matapos sumugod ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan at magtangkang magnakaw.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.


Samantala, nagdeklara si Liberia President George Weah ng tatlong araw na National Day of Mourning sa naturang bansa.

Facebook Comments