HALOS TATLONG PISONG PAGTAAS SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, PROBLEMA NG ILANG DRIVER

Halos tatlong pisong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, problema ng ilang driver

Hindi na makabawi umano ng kita ang mga driver ng pampublikong sasakyan sa Pangasinan dahil sa sunod-sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ngayong linggo, inaasahang magkakaroon muli ng oil price hike na aabot sa halos tatlong piso kada litro.

Ayon sa ilang tricycle driver sa Pangasinan, patuloy lamang umano ang pagtaas ng presyo ng langis ngunit hindi umano ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sa taas ng mga bilihin, isa pa umano sa makapagpapabigat ng kanilang bulsa ang patuloy na taas baba sa presyo ng nasabing produkto.

Hiling nila ang pagkakaroon umano sana ng aksyon upang tuluyang makontrol ang presyo ng langis sa merkado.

Bukas, January 21, 2025 posibleng maranasan ang pagsipa sa presyo ng langis kung saan 1.50-1.90 pesos kada litro sa gasoline, 2.60-2.90 pesos sa diesel, at 2.30-2.50 pesos sa kerosene.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments