Nakibahagi ang nasa higit dalawandaang kabataan mula sa iba’t-ibang barangay ng bayan ng Tayug sa isinagawang Children’s General Assembly.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang programa.
Partikular na nakatuon ang aktibidad sa iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng mga kabataan tulad ng bullying, kawalan ng oportunidad na makapag-aral, at maging usapin sa isyu ng mental health.
Sa tumataas na insidente ng mental health tulad ng depression at anxiety, dapat lamang umano na malaman ng mga bata ang importansya ng koneksyon at impormasyon.
Binigyang diin ng MSWDO ang pagkakaroon dapat ng kamalayan ng mga kabataan sa mga suliranin na kanilang kinakaharap bilang bahagi ng isang komunidad.
Nagbigay katiyakan naman ang lokal na pamahalaan ang kanilang suporta sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto at programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments