Muling hinikayat ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng San Fabian ang mas maraming kabataan na pumasok sa pag-aagrikultura sa pamamagitan ng mga programa ng Department of Agriculture (DA) noong Hulyo 6, 2026.
Isa sa mga tampok na sinabi ay ang Young Farmers Challenge ng Department of Agriculture (DA).
Ayon sa lokal na pamahalaan, maaari umanong mag-apply ang mga kabataang edad 18 hanggang 30, kung saan maaaring makatanggap ng hanggang ₱80,000 bilang panimulang kapital mga piling benepisyaryo.
Kabilang sa mga proyekto na sakop nito ang may kaugnayan sa paghahayupan, pagtatanim, at aquaculture.
Sinabi rin ng MAO na bukas ang Agri Youth Internship Program ng Agriculture Training Institute (ATI) para sa mga kabataang nais malaman ang makabagong pamamaraan ng pagsasaka.
Ayon sa MAO, nakatakdang iendorse ang mga kwalipikadong aplikante sa ATI.
Kasabay nito, ibinahagi rin ng MAO ang kasalukuyang datos ng sektor ng agrikultura sa bayan, kung saan nasa kabuuang 8,337 rehistradong magsasaka at mangingisda. Nasa 4,522 ang nakarehistrong magsasaka habang 3,392 naman ang kabilang sa hanay ng mga mangingisda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










