Bilang tugon sa limitadong pag-iilaw sa ilang bahagi ng Sitio Isla, Zone 7 sa Barangay Pinmaludpod, Urdaneta City, kinumpleto na ang huling yugto ng paglalagay ng mga streetlight na may 25-foot steel posts.
Ayon sa ulat, kabilang ang proyekto sa mga pangunahing programa ng barangay nitong taon at pinondohan sa pamamagitan ng Barangay Development Fund.
Tugon umano ito sa delikado at madilim na bahagi ng mga daan sa lugar, lalo na tuwing gabi.
Kasunod ng pagkumpleto ng huling phase sa Zone 7, sinimulan na rin umano ang kaparehong proyekto sa kanlurang bahagi ng Sitio Isla para mapalawak ang saklaw ng street lighting sa lugar.
Ayon sa barangay, ipinagpapatuloy lamang umano nila ang naunang streetlight project na ipinatupad noong nakaraang taon sa silangang bahagi ng Zone 7. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








