Health Secretary Duque, suportado ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa PhilHealth, ayon sa DOH

77

Suportado ni Health Secretary Francisco Duque III ang nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa mga iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinusuportahan ng kalihim ang mga isinasagawang pagsisiyasat lalo na at siya ang Chairman of the Board ng PhilHealth.

Dinipensahan din ni Vergeire ang pagbibigay ng PhilHealth ng malaking cash advances sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Aniya, ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ay nakabase sa “historical figures” o historical claims.

Kaya mataas ang allocation sa SPMC ay dahil malaki ang ospital at marami ang tinatanggap na pasyente na mayroong iba’t ibang kondisyon o karamdaman.

Facebook Comments