Herd Immunity, Nakamit na ng Brgy. District II sa Cauayan City; Pitong Active Cases, Naitala

23
Cauayan City, Isabela- Nakamit na ng barangay District II sa Lungsod ng Cauayan ang Herd Immunity sa COVID-19 matapos mabakunahan ang mahigit 70 porsyento ng target population nito.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Barangay Captain Miko Delmendo, sa patuloy na ginagawang vaccination rollout sa Lungsod, kakaunti na lamang aniya sa mga residente ng District II ang hindi pa nabakunahan kontra COVID-19.

Ilan lamang aniya sa kanyang mga constituents ang hindi pa bakunado ay ang mga may malalang sakit o mga naka-bedridden na hindi na talaga kayang makalabas ng kanilang tahanan.

Ito naman aniya ang kanyang hiling sa mga vaccinators na kung maaari ay puntahan na lamang ang mga taong hindi na kayang makalabas ng bahay para sila ay mabakunahan.

Muli namang hinihikayat ng Kapitan ang publiko na hindi pa nabakunahan lalo na sa mga residente ng Brgy. District II na magpabakuna na gayundin sa mga maaari nang magpa-booster shot.

Samantala, ibinahagi rin ni Kap. Delmendo na sa kasalukuyan, mayroon lamang pito (7) na positibo sa COVID-19 sa kanilang lugar.



Muli rin nitong pinaalalahanan ang mga bakunadong kababayan na huwag pa rin magpakampante bagkus ay sumunod pa rin sa health protocols.

Facebook Comments