Higit 1.7 milyong indibidwal, dumalaw sa Manila North at South Cemetery sa nakalipas na apat na araw

Umaabot sa 1,701,645 na indibidwal ang naitalang bumisita Manila North at South Cemetery.

Sa datos na inilabas ng Manila Public Information Office, ang nasabing bilang ay mula noong October 29 hanggang November 1, 2023.

Nasa 1,211,050 ang kabuuang bilang ng mga nagtungo sa Manila North Cemetery sa nakalipas na apat na araw habang 490,595 naman sa Manila South.


Kaugnay nito, nasa higit 1,000 ang bilang ng mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng Manila Police District (MPD).

Ito ay mga ipinagbabawal na gamit na balak ipasok sa loob ng Manila North Cemetery.

Sa datos ng MPD, nasa 416 na Flammable Materials ang nakumpisma kabilang ang 307 na sigarilyo at 278 na pabango.

Facebook Comments