
Ngayong umaga ay namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng 270 wheelchairs para sa mga vulnerable, mga Person with Disability (PWD) o mga indibidwal na nangagailangan ng wheelchair.
Katuwang ng PRC ay anTg Chair the Love Wheelchair Foundation na silang donor ng wheelchairs at ang Rotary Club Manila 101 katuwang sa pamamahagi ng nito.
120 na beneficiaries mula sa Malabon, Manila, Pasay, Rizal, Valenzuela at Caloocan ang nakatanggap ng wheelchairs dito sa PRC Headquarters sa Mandaluyong.
Dinaluhan ni Department of Health Usec. Eric Tayag at ni PRC Chairman Richard Gordon ang nasabing event.
Sa mga susunod na araw, mamahagi pa ang PRC ng bagong wheelchairs sa ibang rehiyon ng bansa gaya ng Baguio at La Union.
Sa kabuuan, nasa 500 wheelchairs na ang naipamahagi ng PRC simula pa noong 2023.
Sa layuning mapagaan ang buhay ng mga PWD na nangangailangan nito,
bilang instrumento rin para i-angat ang independence at diginidad ng kababayang PWDs na nagnanais tuparin ang kanilang mga pangarap.