WRITING TRAINING, ISINAGAWA PARA SA MGA INFORMATION OFFICERS NG ALAMINOS CITY

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng City Information Office (CIO) at City Human Resource Management Office (CHRMO) ng News, Caption, and Feature Writing Training para sa mga Departmental Information Officers, Alternate Information Officers, at mga miyembro ng Pool of Writers bilang bahagi ng pagpapaigting ng paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Nagbahagi naman ng kanilang kaalaman at karanasan ang mga inimbitahang resource speakers mula sa larangan ng media at public information. Tinalakay nila ang mga pangunahing prinsipyo ng epektibong pagsusulat, pangangalap ng impormasyon, at wastong paglalahad ng mga balita.

Nagkaroon din ng workshop kung saan sinubukan ng mga kalahok na gumawa ng mga balita at iba pang article na sumailalim sa pagsusuri at pagbibigay ng komento mula sa mga resource speakers.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang makatutulong ang pagsasanay sa pagpapalakas ng komunikasyon ng iba’t ibang tanggapan at sa paghahatid ng mas malinaw, napapanahon, at kapaki-pakinabang na impormasyon sa mga mamamayan ng Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments