
Pormal nang binuksan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang photo exhibit ng Presidential Photojournalists Association o PPA sa Likhang Filipino Exhibition Hall sa Pasay City.
Ang PPA ay binubuo ng mga accredited photojournalist mula sa iba’t ibang news organization na regular na nagko-cover sa pangulo at Malacañang.
Tampok sa “In Focus: Marcos Presidency” ang 100 larawan ng pangulo sa kaniyang mga aktibidad sa loob at labas ng bansa sa loob ng apat na taon.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa mga photojournalist na aniya’y nagsilbing mata ng publiko sa pagdodokumento sa mga ginagawa ng pamahalaan.
Sa pamamagitan aniya ng kanilang mga kuha, naitatala rin ang mga mahahalagang pangyayari at napapangalagaan ang kasaysayan.
Libre ang pagpasok sa exhibit mula Agosto 14 hanggang 30, alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.










