Hot pursuit operations, ikinasa ng PNP matapos ang pamamaril sa Alkalde ng Rizal, Cagayan

Agad na naglunsad ng hot pursuit operations ang Police Regional Office 2 (PRO-2) matapos ang brutal na pamamaril at pagpaslang kay Rizal, Cagayan Mayor Joel Ruma.

Ayon kay PRO-2 Regional Director BGen. Antonio Marallag Jr., kasalukuyan ding isinailalim sa high-risk checkpoints ang mga karatig-bayan upang mahadlangan ang posibleng pagtakas ng mga suspek.

Kasunod nito, mariing kinondena ni Marallag ang karumal-dumal na krimen at inatasan ang kanyang mga tauhan na agad resolbahin ang kaso.

Batay sa inisyal na ulat, pasado alas-nwebe kagabi nang pagbabarilin si Mayor Ruma sa loob mismo ng gymnasium sa Barangay Iluru habang nasa gitna ng kanyang pangangampanya.

Nabatid na bukod sa alkalde, dalawa pang indibidwal ang nadamay sa insidente.

Facebook Comments