HIGIT SIYAM NA MILYONG PISO NA HALAGA BINHI AT TULONG PARA SA MAGSASAKA NG STA. BARBARA, IPINAMAHAGI NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

18

STA. BARBARA, PANGASINAN – Ipinagkaloob ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Sec. William Dar sa lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara ang aabot sa Nine Million Seven Hundred Eighty-Seven Thousand Five Hundred Pesos (PhP 9,787,500) na halaga ng rice seeds o binhi para sa mga lokal na magsasaka ng bayan, ito ang sinabi ni Municipal Agriculturist Manuel Velasco.

Kaugnay pa nito, ang mga magsasaka sa bayan na may sinasakang dalawang ektaryang pababa ay makakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng limang libong piso (PhP 5,000) ngayong third quarter ng taon.


Facebook Comments