DAGUPAN CITY, NAITALA ANG MATAAS NA BILANG NG NABAKUNAHAN SA LOOB NG ISANG ARAW

21

Naitala ng lungsod ng Dagupan ang pinakamaraming bilang ng nabakunahan kontra COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Sa datos na inilabas ng lokal na pamahalaan nagpabakuna ang mga ito ng 655 na katao noong ika-28 ng Marso.


Noong nakaraang linggo sinabi ng lokal na pamahalaan na nakataas na nito sa 400-500 katao ang nabibigyan ng COVID-19 Vaccine sa isang araw sa City People’s Astrodome na siyang vaccination center ng lungsod.

Nakatakda namang dagdagan ang mga vaccination sites upang mas mapataas pa ang bilang ng mga nabakunahan sa ilalim ng mga priority group.

Samantala, nasa 95 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Dagupan City.

Facebook Comments