
Kinalampag ng ilang senador na aaprubahan na rin ng Kamara ang panukalang Minimum Wage Increase Act.
Ayon kay Senator Joel Villanueva, aprubado na sa Senado noon pang March 2024 ang panukalang dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Maganda aniyang regalo ito para sa ating mga manggagawa kung maisasabatas lalo’t nalalapit na ang Labor day.
Umaasa aniya sila na aaprubahan na rin ito ng Kamara sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hunyo upang malagdaan ito ni Pangulong Bongbong Marcos bago matapos ang 19th Congress.
Giit ni Villanueva, sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin, mahalaga at napapanahon ang minimum wage increase upang kahit papaano ay mabigyan ng kaunting ginhawa ang ating mga kababayan na manggagawa.