HVI Drug Personality ng PNP at PDEA, Huli sa Buy Bust Operation

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang tulak ng droga matapos itong magpositibo sa ikinasang anti- illegal drug buy bust operation sa bayan ng Solana, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Dandy Dayag, 40 anyos, negosyante, tubong San Roque, PeƱablanca, Cagayan ngunit kasalukuyang nakatira sa Centro Northwest, Solana sa nasabing probinsya.

Si Dayag ay kabilang sa listahan ng High Value Individual Regional Priority 10 ng PNP at PDEA.

Dakong alas 8:00 ng gabi ng Miyerkules, Pebrero 2, 2022, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Cagayan PDEU/PIU, RDEU at Solana Police Station sa pakikipagtulungan ng PDEA 2 sa Luna Street Centro Northwest, Solana na nagresulta ng pagkaaresto ni Dayag.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang apat (4) na piraso ng pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang libong piso at tatlong (3) piraso ng one thousand peso bill na boodle money.

Aabot umano sa halagang Php10,000 ang mga nakumpiskang iligal na droga.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments